MO. TERESA NG KALKUTA: GANAP NG SANTA!
Nakikiisa ang Parokya ng Sto. Rosario ng Malipampang, sa pagdiriwang ng buong Simbahan sa paghirang kay Beata Teresa ng Kalkuta
bilang isang ganap na Santa.
Ang buhay ni Mo.Teresa at ang kanyang pagkahirang ay isang paalala sa ating lahat upang mamuhay sa kabanalan sa kabila ng
mga tukso at pagsubok sa buhay.
Hingin natin ang pagdalangin ni Sta. Teresa ng Kalkuta. Ipahahayag ng Kanyang Kabanalan Papa Francisco ang pagbilang kay Mo
Teresa bilang santa sa ika 4 ng Setyembre, 2016, 9:00 ng Umaga (4:00 ng Hapon sa Pilipinas) sa St. Peter's Square sa Vaticano.

|
Parish Church's Retablo and Altar |
RENOVATING THE CHURCH
Through the efforts of the Parish Pastoral Council and the Parish Priest,
Rev. Fr. Dennis S. Cruz, generous and church loving parishioners contributed and shared their blessings for the construction
of both the interior and exterior of the Parish Church.
SA IKA-30 NG OKTUBRE, 2016 AY GUGUNITAIN NATIN ANG IKA-8
TAONG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG ATING PAROKYA.

 |
Apo Sayong |
|
Sto.Rosario de Malipampang |
Ang Parokya ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario ay binuksan nuong ika-30 ng Oktubre, 2008 ng Lub. Kgg.
Jose F. Oliveros,DD, Obispo ng Malolos. Nasasakupan nito ang 10 barangay ng San Ildefonso, Bulacan. Mayroon humigit kumulang
na 27,000 ang populasyon ng mga tao at mahigit na 25,000 ang mga Katoliko.
Ang Mahal na Birhen ng Sto. Rosario ang pintakasi ng Parokya kung kaya't ang debosyon sa pagdarasal
ng Rosaryo araw-araw ay hindi kinalilimutang gawin ng mga mananampalataya. Patuloy pa rin itong pinapalaganap.
|
 |